NAGA CITY- Patay ang isang pinaniniwalaang miembro ng rebeldeng grupo matapos ang nangyaring engkwentro sa Barangay Laganac, Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Carlito Perita, kilala sa alyas na Ruth, Reyal o Remar, lider ng Platoon 3, Larangan 1 Komiteng Probinsiya 5.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga tropa ng pamahalaan matapos ang ulat na may presensiya ng New Peoples Army (NPA) sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad namang rumesponde ang tropa sa lugar at dito na nakasagupa ng mga otoridad si Perita at ang dalawa pang teroristang NPA.

Advertisement

Kung saan, nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo na naging dahilan ng agarang pagkamatay ni Perita.

Samantala, agad naman na nakatakas ang dalawang kasamahan ni Perita at iniwan na lamang ng mga ito ang wala ng buhay na lider.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre .45 na pistol at magazine.

Launay nito, nagpasalamat naman si Col. Jaime Abawag Jr., Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade sa pakikipagtulungan ng mga residente sa lugar para sa matrayumpong operasyon.

Advertisement