NAGA CITY – Naninindigan ang Anakbayan-Naga na hindi miyembro ng komunistang grupo ang kanilang Chairperson na inaresto ng mga otoridad sa Brgy. Cararayan, sa lungsod ng Naga.

Mababatid na inaresto si Maria Jesusa Sta. Rosa alyas Sasah, matapos marekober ang iba’t-ibang uri ng baril at pampasabog sa mismong bahay nito.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kryss Aranas, tagapagsalita ng Anakbayan-Naga, naniniwala ito na tinaniman lamang ng baril at mga pampasabog ng mga otoridad si Sta. Rosa lalo na at wala naman umano itong kakayahang humawak o magtago ng mga baril.

Aniya, hindi rin maayos ang pagsisilbi ng search warrant dito kung kaya naniniwala si Aranas na malinaw na isa lamang na pag-atake sa mga progresibong grupo ang ginawa ng mga otoridad.

Advertisement

Dahil dito, maglulunsad ng maraming kilos protesta ang nasabing progresibong grupo bilang pagpapakita ng suporta kay Sta Rosa.

Advertisement