NAGA CITY – Nabakunahan na ng kaniyang first dose ng COVID-19 vaccine si Congressman Gabby Bordado.
Sa kanyang ipinost nitong larawan sa kaniyang facebook account, nabatid na nabakunahan na nagpabakuna ang naturang kongresista sa Naga City MegaVax Facility sa JMR Coliseum ngayong araw.
Ngunit hindi naman nito nabanggit kung anong brand ng bakuna ang itinurok dito.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Bordado kay Naga City Mayor Nelson Legacion, Vice Mayor Nene de Asis at sa mga frontliners ng lungsod dahil sa paglalaan umano ng mga bakuna para sa mga senior citizens sa nasabing lungsod.
Advertisement
Advertisement