NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos na mabangga ng truck sa Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joleta Abril, 65-anyos, residente ng barangay San Jose sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad ang biktima sa gilid na kalsada ng mabangga ito ng truck na minamaneho ni Glenn Ladrillo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit ideklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Advertisement

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang nagpapatuloy naman ang isinagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Advertisement