NAGA CITY – Kumpiskado ang nasa P44-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Manuelo Dizon, 52-anyos, residente ng Purok Maligaya Orig, Brgy Mayao, Ibabang Dupay sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili sa suspek ang nagpanggap na posuer buyer ng isang sachet ng nasabing iligal na droga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na maliban pa sa buybust item narekober pa sa suspek ang tatlo pang sachet ng iligal na droga at iba pang mga drug paraphernalia.
Sa kabuoan, aabot sa 2.19 grams ang iligal na droga na nakumpiska kay Dizon na nagkakahalaga ng nasa P44,676.00.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.