NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P68,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Barangay San Isidro Catanauan, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Glenn Ramento, 45-anyos, residente ng Barangay 8 General Luna, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nabili ng umaktong poseur buyer sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu gamit ang P500 bilang buy bust money.
Maliban dito, nakumpiska pa sa suspek ang limang piraso ng pinagbabawal na gamot na aabot sa 6.93 grams at nagkakahalaga naman ng P68,340.
Advertisement
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Advertisement