NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na mabangga ng isang sarong pick-up sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Ibon, 74-anyos, residente ng Brgy. Bukal Sur sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormsyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Bukal Sur, ng mabangga ito ng isang pick-up na minamaneho ng suspek na si Jayvee Marasigan 27-anyos, residente ng Brgy. Pahinga Norte, sa nasabing lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente na nagtamo ng malalang sugat sa kaniyang ulo si Ibon na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit tuluyan rin itong binawian ng buhay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.