NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P660-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation laban sa dalawang suspek sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Alzona, 21-anyos at Sophia Nicole Alpay 21-anyos, parehas residente ng Brgy. Cotta, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer kay Alzona at Alpay ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Maliban pa dito, nakuha pa sa mga suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng ipinagbabawal na gamot na mayroong bigat na nasa humigit-kumulang 32.4 grams na nagkakahalaga ng nasa P660,960.

Advertisement

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na nasa HVI Watchlist si Alzona habang nasa SLI Watchlist naman si Alpay.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Advertisement