NAGA CITY- Inaasahan ng pamunuan ng Bicol Central Station na tuloy-tuloy parin ang pagdagsa ng mga biyahero na babalik sa National Capital Region sa mga susunod na araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rhoderick Reforsado, Terminal Manager ng Bicol Central Station, sinabi nito nananatiling nasa peak operation pa rin ang terminal hanggang sa mga susunod na araw kahit tapos na ang pag-obserba ng Semana Santa lalo pa’t marami sa mga umuwi galing sa Metro Manila ay nag-extend ng kanilang bakasyon.
Ibinahagi naman ni Reforsado na naabot nang kanilang opisina ang target na biyahero noong nakaraang Sabado at Linggo dahil talagang dumagsa ang mga pasahero na mula sa National Capital Region.
Ayon pa sa opisyal, noong nakaraang Sabado pumalo sa 124 na buses ang kanilang dinispatch habang kahapon, araw ng Linggo pumalo sa 138 na buses ang kanilang ipinalabas.
Dagdag pa ni Reforsado, mula Abril 1 hanggang Abril 15, pumapalo lamang ang kanilang average na dispatch buses sa 80-90 ngunit tumaas ito noong mga nakaraang araw.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamunuan nang Bicol Central Station na handa ang kanilang opisina upang i-accomodate ang mga pasahero na uuwi sa Metro Manila.
Samantala, wala namang naitalang untowards incident sa terminal sa buong durasyon ng pag-obserba nang Semana Santa lalo pa’t mahigpit ang ginawang pagbabantay ng mga otoridad sa pinakamalaking terminal sa lungsod ng Naga katuwang ang Philippine National Police, Land Tranportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sa ngayon, muli namang pinaalalahanan ni Reforsado ang mga biyahero na mag-ingat pa rin at maging alerto sa mga bitbit na gamit at mga kasamahan upang maiwasan ang anuman na insidente.