Photo © web

NAGA CITY – Pagkakautang ang tinitingnan rason sa pagpapatiwakal nang isang pedicab driver sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Ric R. Reginales, Acting Chief of Police ng Camaligan Municipal Police Station, sinabi nito na isang 25-anyos na lalaki ang biktima at residente nang nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng nasabing himpilan, kahirapan at problema sa buhay ang isa pa sa mga dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Dagdag pa ni Reginales, maliban sa pagiging pedicab driver ang biktima ay nagtatrabaho rin bilang isang construction worker.

Advertisement

Ayon pa sa opisyal, hindi na binanggit ng kapamilya nito ang eksaktong halaga ng kanyang pagkakautang, at batay pa sa kanilang imbestigasyon bigla na lamang nitong pinaalis ang kaniyang lived-in partner sa kanilang bahay, pumasok sa banyo at doon na Rin winakasan Ang kanyang sariling buhay.

Sa ngayon, paalala na lamang ni Reginales sa publiko lalo na sa mga nakakaranas ng kaparehas na sitwasyon na palagiang humingi ng basbas at tulong sa panginoon maging sa kapamilya upang mabigyan ng tamang desisyon at hindi na humantong sa ganitong mga pangyayari.

Gayundin kung may pinagdaraanang problema, marami umano ang pwedeng maging solusyon at ang pagpapatiwakal.

Advertisement