Inaprubahan ng House Committee on Justice na “suffificient in substance” ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang botohang 54-1 na walang abstention, na nagbukas ng daan para sa mas masusing pagtalakay sa mga alegasyon laban sa kanya.

Sa talaan ng boto, 54 ang pabor at isa ang tumutol, kung saan tanging si Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay ang bumoto ng “no.”

Dahil dito, uusad na sa susunod na yugto ang pagdinig ng komite kaugnay sa mga paratang na kinabibilangan ng umano’y plunder, graft, maling paggamit ng pondo, at pagbabanta sa pagpaslang.

Samantala, sa halip na dumalo sa hearing, naghain ng kasong perjury ang bise presidente laban kay Ramil Madriaga sa Taguig City Prosecutor’s Office. Ayon kay Duterte, inuulit umano ng Kamara ang aniya’y naging taktika sa International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng mga testigong may gawa-gawang salaysay.

Advertisement

Giit ni Duterte, hindi dapat malinlang ang publiko ng mga umano’y imbentong kwento habang nagpapatuloy ang proseso ng impeachment sa Kamara.

Advertisement