Photo © web

Posibleng maituring na “breach of public trust” kung may impormasyon si Vice President Sara Duterte tungkol sa posibleng digmaan sa Middle East noon pa ngunit hindi ito naiparating sa pamahalaan, ayon sa Malacañang.

Ito ang pahayag ng Malacañang kasunod ng sinabi ng bise presidente na matagal na umanong naririnig ang posibilidad ng giyera sa rehiyon, kahit noong 2022 pa.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, kung may ganitong impormasyon ang bise presidente ay dapat umano itong agad na ibinahagi sa Pangulo at sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang makapaghanda ang gobyerno.

Dagdag pa ni Castro, ang hindi pagbabahagi ng mahalagang impormasyon ng isang opisyal ng pamahalaan ay maaaring ituring na nonfeasance, o pagkabigong gampanan ang tungkulin sa publiko.

Advertisement

Binigyang-diin din ng Malacañang na noong 2022 ay magkasamang nangangampanya sina Vice President Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilalim ng UniTeam, kaya may pagkakataon umano ang bise presidente na maiparating ang naturang impormasyon sa Pangulo o sa Department of National Defense kung mayroon siyang ganitong kaalaman.

Advertisement