
Ipinahayag ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang paniniwala na si US President Donald Trump ang may kakayahang magdala ng kapayapaan, lalo na sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.
Sa kanyang pagbisita sa White House, binigyang-diin ni Takaichi ang kahalagahan ng matibay na liderato upang maresolba ang umiiral na tensyon sa rehiyon. Kinondena rin niya ang mga hakbang ng Iran kaugnay sa nasabing krisis.
Samantala, hiniling ni Trump sa Japan na isaalang-alang ang pagpapadala ng warship sa Gitnang Silangan bilang bahagi ng kooperasyon sa seguridad.
Bukod dito, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng ugnayan ng Estados Unidos at Japan, partikular sa larangan ng ekonomiya at depensa.
Advertisement
Advertisement













