Photo © web

Iginiit ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre na walang nakitang direktang pananagutan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ginawa ni Acidre ang pahayag bilang tugon sa mga paratang ni Navotas Rep. Toby Tiangco laban kay Romualdez. Ayon sa kanya, batay sa referral ng ICI sa Office of the Ombudsman, walang malinaw na konklusyon o ebidensya na nagtuturo ng pagkakasala ng dating lider ng Kamara.

Nauna nang inilipat ng ICI ang kaso sa Ombudsman upang magsagawa ng mas masusing imbestigasyon. Kalakip sa referral ang mga affidavit at recordings na may kaugnayan kay Romualdez.

Samantala, nagpahayag ng kumpiyansa ang abogado ni Romualdez na magiging patas, masinsinan, at obhetibo ang gagawing pagsusuri ng Ombudsman sa nasabing isyu.

Advertisement

Sa kabila ng mga ulat na may rekomendasyon ang ICI at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsampa ng kasong plunder, binigyang-diin ng kampo ni Romualdez na walang direktang pahayag ng pananagutan laban sa kanya.

Nag-ugat ang isyu sa mga alegasyon ng “ghost projects” o mga flood control project na hindi umano natapos o hindi talaga naipatupad.

Advertisement