Itinalaga ni PGen. Jose Melencio Nartatez si Police Brigadier General Rommel Sta. Ana Batangan bilang acting director ng Highway Patrol Group (HPG) simula ngayong Huwebes, kasunod ng pagbibitiw ni PBGen. Jessie Tamayao dahil sa kinakaharap na reklamo.

Nagbitiw sa puwesto si Tamayao matapos sampahan ng reklamong sexual harassment ng isang policewoman sa National Police Commission.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ni Tamayao ang mga paratang at iginiit na siya ay inosente sa nasabing akusasyon.

Ayon sa kanyang pahayag, ang kanyang pagbibitiw ay hindi pag-amin ng kasalanan kundi hakbang upang bigyang-daan ang patas na imbestigasyon at mapanatili ang integridad ng Philippine National Police (PNP).

Advertisement

Bago ang kanyang bagong posisyon, nagsilbi si Batangan bilang Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 3.

Epektibo agad ang kanyang pagtatalaga bilang acting director ng HPG ngayong Huwebes.

Advertisement