Pinag-aaralan ng Malacañang ang panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa gitna ng krisis sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mungkahing makatutulong sa bansa, kabilang ang panukalang maaaring makatipid ng hanggang ₱16 bilyon kung hindi matutuloy ang halalan.

May ilang sektor ang nananawagan ng anim na buwang postponement ng BSKE na nakatakda sa Nobyembre 2, at iminungkahi na ilaan na lamang ang pondo nito upang tugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunman, nauna nang nagpasya ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang paulit-ulit na pagpapaliban ng naturang halalan.

Advertisement

Dahil dito, inaasahang magiging sentro ng diskusyon ang legalidad ng panibagong postponement kasabay ng pagtimbang sa epekto nito sa ekonomiya at sa demokratikong proseso ng bansa.

Advertisement