Naibenta sa halagang $905,000 o mahigit P50 milyon ang life jacket na isinuot ng isang survivor ng RMS Titanic sinking sa isinagawang auction.

Ito ang kauna-unahang life jacket mula sa Titanic na naibenta sa auction makalipas ang 114 na taon mula nang lumubog ang barko noong 1912.

Ibinenta ang naturang memorabilia sa Henry Aldridge & Son sa Devizes, Wiltshire sa England.

Ang life jacket ay pag-aari ni Laura Mabel Francatelli, isang first class passenger na kabilang sa humigit-kumulang 700 nakaligtas sa trahedya. Isinuot niya ito bago sumakay sa lifeboat upang makaligtas.

Advertisement

Pinirmahan mismo ni Francatelli ang naturang flotation device na may 12 bulsa at may kasamang shoulder rest at side straps.

Samantala, naibenta rin sa auction ang isang seat cushion mula sa lifeboat ng Titanic sa halagang $27,000.

Advertisement