Photo © web

Bumukas nang mas mataas ang presyo ng langis ngayong Lunes, Mayo 11 matapos tanggihan ni US Pres. Donald Trump ang tugon ng Iran sa panukalang pangkapayapaan ng Estados Unidos, kasabay ng panibagong banta ng Iran sa Strait of Hormuz.

Tumaas ng 2.69% ang Brent crude na nakatakdang i-deliver sa Hulyo, na umabot sa $104.01 kada bariles, habang ang West Texas Intermediate (WTI) ay umakyat ng 2.54% sa $97.84 kada bariles.

Ang pagtaas ay kasunod ng pahayag ni Trump na tinanggihan niya ang kondisyon ng Iran sa peace talks, na nagdulot ng bagong tensyon sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

Ayon sa mga ulat, muling nagbanta ang Iran ng posibleng aksyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng suplay ng langis na dinadaanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang oil trade.

Advertisement

Dahil dito, muling nabuhay ang pangamba sa supply disruption, lalo na’t nananatiling sensitibo ang rehiyon sa gitna ng nagpapatuloy na alitan sa pagitan ng US at Iran.

Ang paggalaw sa presyo ng langis ay inaasahang magpapatuloy habang sinusubaybayan ng mga merkado ang anumang bagong development sa usapang pangkapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Advertisement