Umabot na sa tinatayang $29 bilyon ang ginastos ng Estados Unidos sa nagpapatuloy nitong operasyon laban sa Iran, ayon sa isang mataas na opisyal ng Pentagon.

Mas mataas ito ng $4 bilyon kumpara sa naunang pagtataya na $25 bilyon noong nakaraang buwan. Ayon sa Pentagon, kasama sa bagong bilang ang dagdag na gastos para sa pagkukumpuni at pagpapalit ng mga kagamitang militar, pati na rin ang operational costs ng mga deployed forces.

Gayunman, hindi pa malinaw kung paano eksaktong kinompyut ang kabuuang $29 bilyong halaga, ayon sa ahensya.

Batay sa naunang ulat ng Reuters noong Marso, umabot na sa hindi bababa sa $11.3 bilyon ang gastos ng U.S. sa unang anim na araw pa lamang ng labanan na pinangasiwaan sa ilalim ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.

Advertisement
Advertisement