Photo © web

Magpapatupad ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout sa ilang bahagi ng bansa dahil sa inaasahang kakulangan sa suplay ng kuryente.

Ayon sa NGCP, kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang ilang lugar sa Ilocos Sur, Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Batangas, Albay, at Metro Manila.

Sa Metro Manila, inaasahang mararanasan ang power interruption sa ilang lugar na sakop ng Manila Electric Company (Meralco).

Kabilang din sa mga apektadong distribution utilities ang ilang electric cooperatives gaya ng ISECO, CENPELCO, DECORP, ISELCO 2, NEECO II Area 1, SAJELCO, ZAMECO I, PENELCO, BATELEC I, CANORECO, ALECO, at iba pa.

Advertisement

Nilinaw ng NGCP na maaaring kanselahin ang rotational brownout kung bubuti ang kondisyon ng power system, partikular kung bababa ang aktuwal na demand kumpara sa inaasahang konsumo.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na magtipid sa kuryente at gumamit nito nang wasto upang makatulong sa pagpapanatili ng katatagan ng suplay ng enerhiya sa bansa.

Advertisement