Sinuspinde ng pamahalaan ang pagbabayad ng terminal fees sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa loob ng tatlong buwan bilang tulong sa mga public utility vehicle (PUV) operators sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang pagtanggal ng bayarin na epektibo simula Mayo 18, 2026.
Tinatayang aabot sa mahigit P5 milyon ang matitipid ng mga PUV operator sa ilalim ng naturang hakbang.
Kasama sa makikinabang ang provincial buses, city buses, jeepneys (PUJ at modern PUJ), UV Express, at taxi.
Dati, naniningil ang PITX ng terminal fees na mula P10 hanggang P100 depende sa uri ng sasakyan.
Ayon sa DOTr, maaari pang palawigin ang suspensyon depende sa magiging resulta ng pagsusuri sa epekto nito sa sektor ng transportasyon at sa galaw ng presyo ng langis.














