Arestado ng mga awtoridad ang founder ng Gawad Kalinga na si Tony Meloto sa isinagawang operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa isang farm sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa paunang ulat ng Bulacan PPO, inaresto si Meloto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Malolos Regional Trial Court Branch 76 kaugnay ng kasong qualified trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Wala umanong inirekomendang piyansa ang korte para sa naturang kaso dahilan upang manatili siya sa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang return of warrant.

Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon ay nasangkot si Meloto sa mga alegasyon ng molestya, sexual harassment, acts of lasciviousness, at human trafficking na inihain ng dalawang umano’y beneficiaries ng kanyang foundation.

Advertisement

Nauna nang itinanggi ni Meloto ang mga paratang at iginiit na isa lamang umano itong demolition job laban sa kanya.

Advertisement