Tinanggap na ni Alan Peter Cayetano na hindi na siya mananatili bilang Senate President matapos ang paglipat ni Joel Villanueva sa bagong mayorya ng Senate of the Philippines.

Ang paglipat ni Villanueva ay inaasahang magbibigay sa kabilang panig ng sapat na bilang upang makapaghahalal ng bagong lider ng Mataas na Kapulungan.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Hunyo 17, kinumpirma ni Cayetano ang kanyang pag-concede matapos ang kanilang pag-uusap ni Villanueva. Sinabi niyang hindi na niya hahadlangan ang proseso ng pagpili ng bagong Senate President.

Ayon kay Cayetano, ang liderato sa isang demokrasya ay hindi permanente at ang anumang posisyon sa pamahalaan ay isang pansamantalang tungkulin lamang.

Advertisement

Ipinahayag din niya ang kanyang pagbati at kahandaang makipagtulungan sa sinumang lehitimong mahalal ng Senado.

“Ang pagsisilbi bilang Senate President ay isa sa pinakamalaking karangalan ng aking buhay,” ayon kay Cayetano.

Gayunman, iginiit ng senador na magpapatuloy ang kanyang pagsusulong para sa katotohanan at pananagutan kahit wala na siya sa pinakamataas na posisyon sa Senado.

Sinabi rin ni Cayetano na mananatili siyang nakatuon sa paglilingkod sa publiko sa kabila ng pagbabago sa kanyang katayuan.

Ang pag-concede ni Cayetano ay nagbukas ng daan para sa halalan ng bagong Senate President, habang nagpapatuloy ang usapin hinggil sa liderato at proseso ng pagbabago sa pamunuan ng Senado.

Advertisement