Patuloy ang makasaysayang kampanya ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 8 na si Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals ng Berlin Tennis Open.
Pinabagsak ni Eala si Svitolina sa dalawang sets, 6-3, 6-4, upang makamit ang puwesto sa Final Four ng prestihiyosong torneo.
Ipinakita ng batang Filipina ang kanyang composure at husay laban sa beteranang Ukrainian player, na kabilang sa mga nangungunang manlalaro sa mundo.
Sa semifinals, makakaharap ni Eala ang World No. 13 na si Linda Noskova ng Czech Republic matapos din itong magwagi sa kanyang quarterfinal match.
Ang laban kontra Noskova ang magiging susunod na hamon kay Eala habang patuloy niyang hinahabol ang panibagong milestone para sa Philippine tennis sa international stage.














