Nagsuspinde ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa bansa ngayong Martes, Hunyo 30, 2026, dahil sa masamang panahon at nakatakdang power interruption.
Dahil sa pabagu-bagong lagay ng panahon, suspendido ang klase mula Pre-Elementary hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Medellin, Cebu.
Sa Siaton at Zamboanguita sa Negros Oriental, suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Samantala, dahil sa nakatakdang power interruption, walang on-site classes sa mga bayan ng Aringay, Bauang, Burgos, Caba, at Pugo sa La Union.
Pinapayuhan naman ang mga mag-aaral, magulang, at mga guro na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng paaralan para sa mga susunod na abiso.














