Iginiit ni dating presidential spokesperson Harry Roque na wala umanong naitalang insidente ng pamamaril sa mga paaralan noong si Vice President Sara Duterte ang namuno sa Department of Education (DepEd).
Ayon kay Roque, ngayon lamang umano nagkaroon ng ganitong insidente matapos mawala sa puwesto bilang kalihim ng DepEd si Duterte.
Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng panibagong kaso ng school shooting sa Zamboanga, kung saan isang menor de edad ang sinasabing sangkot.
Samantala, patuloy na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mas mahigpit na seguridad at mga hakbang upang maiwasan ang karahasan sa loob at paligid ng mga paaralan.
Advertisement
Advertisement














