Ginunita ni Senador Bam Aquino ang kanyang tiyuhin na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa ika-43 anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

Binigyang-diin ng senador ang naging paninindigan ni Ninoy sa pagtatanggol at pagsusulong ng demokrasya sa bansa.

Ayon kay Bam, nananatiling mahalaga ang mga aral at prinsipyo na iniwan ni Ninoy sa mga Pilipino, lalo na ang kahalagahan ng tapang at paninindigan para sa bayan.

Taon-taon ay ginugunita ang pagkamatay ni Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983, isang pangyayaring naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng demokrasya sa Pilipinas.

Advertisement
Advertisement