Ipinagtanggol ng Malacañang ang ginagawa nilang paglilinis at pagtanggal sa ilang kabahayan sa lugar kung saan malapit na gaganapin ang ASEAN Summit.

Ayon sa Palasyo na ang kanilang ginagawa ay para matiyak ang seguridad dahil sa darating sa bansa ang nasa 20 heads of state.

Kasama dito ang isinagawang clearing operations sa paligid ng Baclaran Church kung saan binawalan ang mga vendors sa lugar bago ang 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 15 hanggang 18.

Itinanggi ni Palace Press Officer Claire Castro na nagsasagawa lamang sila ng “whitewashed” ang Manila dahil sa mga clearing operations.

Advertisement

Dagdag pa nito na isang malaking bagay na dapat ay matiyak ng mga bisita na sila ay ligtas.

Magugunitang noong Nobyembre 2 ay nagsimula na ang Paranaque City Government kung saan makakatanggap naman ng tulong ang mga apektadong vendors.

Advertisement