Dinala ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang makulay na ganda at inspirasyon ng Siargao sa Puerto Rico sa pamamagitan ng isang natatanging likha ng Filipino designer na si Martin Bautista.
Hango sa mga kalsadang napapalibutan ng mga puno ng niyog at sa ginintuang sinag ng papalubog na araw sa Siargao, tampok sa kasuotan ang mga kulay na tropical green, sand beige, at warm terracotta na sumasalamin sa likas na ganda ng isla.
Gaganapin ang ika-75 edisyon ng Miss Universe sa Nobyembre 24, 2026 sa Puerto Rico, na mapapanood naman sa Pilipinas sa Nobyembre 25.
Advertisement









