Mariing kinondena ng Muslim World League (MWL) ang isinagawang airstrike ng Israel sa Nasser Medical Complex sa Gaza na ikinasawi ng anim na katao, kabilang ang ilang doktor.

Ilang indibidwal din ang naiulat na nasugatan sa naturang pag-atake.

Sa inilabas na pahayag, binatikos ng MWL ang pag-atake ng Israel sa mga tent at ang patuloy na paghihigpit sa pagpasok ng humanitarian aid sa Gaza.

Ayon kay Mohammed bin Abdulkarim Al-Issa, Secretary-General ng MWL, hindi katanggap-tanggap ang naturang pag-atake at nararapat lamang itong mahigpit na kondenahin.

Advertisement
Advertisement