Nasa 200 pasahero ang nailigtas matapos mabangga ng isang oil tanker ang isang river cruise boat sa Mississippi River, na naging sanhi ng pagtaob nito habang nakadaong.

Ayon sa mga ulat, agad na tumalon sa tubig ang 197 pasaherong sakay ng paddlewheeler matapos ang insidente upang makaligtas.

Itinuring naman ni Louisiana Governor Jeff Landry na isang milagro ang nangyari dahil ligtas na nailikas ang mga pasahero sa kabila ng aksidente.

Gayunman, 32 pasahero ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan.

Advertisement

Batay sa paunang imbestigasyon, hinihinalang nawalan ng kontrol ang oil tanker na Atlantic Asphalt bago ang insidente.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at ang posibleng pananagutan sa aksidente.

Advertisement