Pormal nang ipinadala ng Senado ang mga subpoena sa mga testigong pinili ng defense team ni Vice President Sara Duterte na inaasahang haharap sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 19 at 20.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, naipadala na electronically ang mga subpoena upang matiyak ang pagdalo ng mga testigo at pagkuha ng kanilang testimonya sa mga susunod na pagdinig.

Nauna namang ibinahagi ni Defense Counsel Spokesperson Michael Poa na tinatayang walo hanggang sampung testigo ang kanilang ihaharap upang suportahan ang panig ng Bise Presidente.

Inaasahang magbibigay ang mga testigo ng kanilang mga pahayag at ebidensiya kaugnay ng mga alegasyon sa impeachment complaint, partikular ang usapin sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.

Advertisement

Magpapatuloy ang paglilitis sa Senado sa Nobyembre 19 at 20, kung kailan nakatakdang ilahad ng depensa ang kanilang mga testigo.

Advertisement