Malapit nang mauwi sa altar ang relasyon ng singer na si Miley Cyrus at ng kanyang fiancé na si Maxx Morando.

Sa Southern California nakatakdang ganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Mahigit isang buwan na umanong pinagkakaabalahan ng magkasintahan ang paghahanda at pag-aayos ng mga detalye para sa kanilang nalalapit na kasal.

Noong nakaraang buwan, isinama ni Miley si Maxx sa kanyang pagtatanghal sa Hollywood Bowl, kung saan magkasama nilang kinanta ang awiting “Let’s Get Married.”

Advertisement

Matatandaang noong nakaraang taon kinumpirma ng singer na nag-propose na sa kanya ang kanyang nobyo.

Samantala, bago ang relasyon nila ni Maxx, ikinasal si Miley sa aktor na si Liam Hemsworth noong 2018. Gayunman, makalipas lamang ang isang taon ay nagkahiwalay din ang dalawa.

Advertisement