Isinagawa ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Municipal Lobby ng Binalay, Tinambac, Camarines Sur bilang bahagi ng programang naglalayong makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Inaasahang malaking tulong ito upang makatipid ang mga pamilya at magkaroon ng karagdagang pondo para sa iba pang pang-araw-araw na gastusin.
Ang mga benepisyaryong makakakumpleto ng pagpaparehistro at mapatutunayang kwalipikado ay maaaring makabili ng bigas sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Tinambac, alinsunod sa mga itinakdang patakaran, kwalipikasyon, limitasyon sa pagbili at suplay.
Pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa.
Advertisement
Advertisement









