Siyam na katao ang nasugatan matapos ang pagsabog na naganap sa isang oil refinery sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa ulat, tatlo sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon at agad na isinugod sa mga pagamutan upang mabigyan ng karampatang lunas.

Nagdulot din ng malaking sunog ang insidente sa Phra Khanong facility, na pinatatakbo ng energy giant na Bangkok Corporation sa silangang bahagi ng Thailand.

Advertisement

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at naapula ang apoy matapos ang mahigit 30 minuto.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang posibleng sanhi ng pagsabog at sunog.

Personal namang nagtungo sa lugar si Thailand Energy Minister Akanat Promphan upang inspeksyunin ang lawak ng pinsalang idinulot ng insidente.

Advertisement