Isinasagawa ang libreng operasyon sa mata sa Naga City General Hospital mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 3, 2026, sa pakikipagtulungan ng Rotary at lokal na pamahalaan ng Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay VC Doc. Jamela D. Mangente, Medical Officer IV ng NCGH, sinabi niyang nakatuon ang programa sa cataract surgery at pagtanggal ng maliliit na bukol sa mata.

Ang NCGH ang naglaan ng pasilidad, operating room at mga kagamitan, habang ang mga ophthalmologist, surgeon at nurses ay nagmula sa mga sponsor ng Rotary.

Libre ang mga operasyon para sa mga residente ng Naga City na kwalipikado sa nasabing mga procedure.

Advertisement

Hinimok ni Mangente ang mga residente na samantalahin ang pagkakataong makapagpaopera nang libre sa tulong ng Rotary, Philippine Medical Association, Camarines Sur Medical Society at lokal na pamahalaan ng Naga City.

Advertisement