NAGA CITY- Kasabay ng magiging ulat sa bayan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang isasagawa ring aktibidad at rally ng Ateneo de Naga University.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ricky Tomotorgo, propesor sa naturang paaralan, sinabi nito na ito ay sa kabila ng hindi nila pagiging kumpinsido sa mga ccomplishments na nagawa ng pangulo.
Ayon dito, magkakaroon sila ng sariling pagpahayag ng totoong kalalagayan ng bansa. Isa aniya sa halimba nito ay ang patuloy na paglobo pa ng COVID-19 cases sa bansa.
Aniya, magsisimula ang kanilang aktibidad dakong alas 9:00 ng umaga na dadaluhan ng mga estudyante habang dakong alas 4:30 naman ng hapon ay dadaluhan ito ng ilang mga professional.
Sa ngayon, ito aniya ang pagkakataon upang magising ang mga mamamayan sa tunay na kalalagayan ng ating bansa.