NAGA CITY- Sa kabila ng nagpapatuloy na pagkalat ng COVID-19, nasa mabuti pa naman aniya ang sitwasyon at kalalagayan sa Alberta, Canada.
Sa ulat ni Bombo International Grace Nejante, sinabi nito na labis din ang pagsunod ng mga residente sa mga paalala ng pamahalaan upang makaiwas sa pagkalat pa ng naturang sakit.
Ayon pa dito, nung una aniya labis pa ang takot na nararamdaman ng bawat indibidwal sa naturang bayan.
Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman ni Nejante na nasa mahigit 2,000 pa lamang ang kaso ng nakakamatay na sakit sa lugar.
Sa ngayon, patuloy pa rin umano ang mahigpit na pag-monitor ng mga otoridad sa naturang bansa.