Bumalik sa pagsasanay si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala sa Rafa Nadal Academy bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na pagsabak sa Italian Open.

Ayon sa social media post ng Rafa Nadal Academy, muling nag-ensayo si Eala sa pasilidad nitong Huwebes habang pinaghahandaan ang kanyang susunod na torneo.

Kamakailan ay umatras si Eala sa WTA 125 Catalonia Open matapos ang kanyang kampanya sa Madrid Open, kung saan umabot siya sa Round of 64 sa singles at Round of 16 sa doubles.

Itutuloy ng 19-anyos na tennis ace ang kanyang clay-court season sa Italian Open, isang WTA 1000 event na magsisimula sa susunod na linggo.

Advertisement

Kasunod ito ng kanyang mga naging laban sa Linz Open, Stuttgart Open, at Madrid Open bilang bahagi ng kanyang mas malawak na kampanya sa WTA circuit.

Advertisement