Isang malaking hamon ang haharapin ni Filipino tennis star Alexandra “Alex” Eala sa third round ng Italian Open matapos makasagupa ang world No. 2 na si Elena Rybakina ng Kazakhstan.

Pasok si Eala sa Round of 32 matapos talunin si Wang Xinyu ng China sa straight sets, 6-4, 6-3, sa ikalawang round ng WTA 1000 clay tournament.

Sa kabilang panig, dumaan sa first-round bye si Rybakina at agad na nagpakitang-gilas sa Round of 64 matapos gapiin si Maria Sakkari ng Greece, 6-4, 6-1.

Ito ang kauna-unahang paghaharap ng dalawang manlalaro sa professional circuit, kaya’t inaasahang magiging matindi at puno ng diskarte ang laban.

Advertisement

Si Rybakina ay isa sa mga pinakamalakas na pangalan sa women’s tennis ngayon matapos manalo sa Australian Open ngayong taon at Wimbledon noong 2022. Napanalunan din niya ang WTA Finals kung saan tinalo niya si Aryna Sabalenka.

Para kay Eala, itinuturing ang laban bilang malaking pagsubok at pagkakataon na masukat ang kanyang kakayahan laban sa isa sa pinakamataas na ranggo sa WTA.

Advertisement