Nalusutan ni Filipina tennis star Alex Eala ang matinding pagbangon ng kalaban upang talunin si Poland’s Magdalena Frech, 6–0, 3–6, 6–4, sa Round of 128 ng Italian Open sa Roma nitong Miyerkules.
Matikas ang simula ni Alex Eala matapos iwanang walang puntos si Magdalena Frech sa unang set, 6–0, sa kanilang laban sa Italian Open.
Gayunman, bumawi ang 28-anyos na si Frech sa ikalawang set matapos samantalahin ang mga errors ni Eala, at tinapos ito sa isang matinding ace para sa 6–3 panalo sa set.
Sa deciding third set, unang nakalamang si Frech sa 3–1, ngunit mabilis na nakabalik si Eala upang maagaw ang bentahe, 4–3, sa gitna ng sunod-sunod na rallies.
Muling tumabla si Frech sa 4–4, ngunit sa sumunod na game ay nagtagumpay si Eala matapos ang mahigpit na palitan ng bola at errors mula sa kalaban, na nagbigay sa kanya ng 5–4 lead.
Sa huling game, bagama’t nahirapan sa closing points, nakapagselyo si Eala ng panalo gamit ang isang matinding backhand sa mahabang rally upang tuluyang tapusin ang laban.
Dahil sa panalo, uusad si Alex Eala sa Round of 64 kung saan makakatapat niya ang 31st seed na si Xinyu Wang.














