Muling umangat sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos siyang tumaas sa world No. 38 mula sa dating No. 42, ayon sa pinakabagong tala.
Ayon sa WTA, may kabuuang 1,340 points na ngayon si Eala matapos makadagdag ng 55 points dahil sa pag-abot niya sa ikatlong round ng isang clay tournament.
Matatandaang noong Marso ay naabot ng 20-anyos na si Eala ang career-best ranking na No. 29 bago bumaba matapos mabigo sa Miami Open.
Nakatakda namang sumabak si Eala sa WTA 500 Strasbourg kung saan makakaharap niya ang world No. 66 na si Oleksandra Oliynykova. Pagkatapos nito, lalahok siya sa French Open na gaganapin mula Mayo 24 hanggang Hunyo 7.
Advertisement
Advertisement














