NAGA CITY- Sinimulan na ngayong araw ang pagsasagawa ng antigen testing sa mga Bar examinees sa lungsod ng Naga.

Mababatid na inurong sa Pebrero 4 at 6, 2022 ang naturang eksaminasyon na gaganapin sa University of Nueva Caceres (UNC).

Ayon kay Renne Gumba, ang pinuno ng Public Safety Office (PSO)-Naga, by batch ang ginawang testing sa mga examinees.

Kaugnay nito, ang sinuman na magpopositibo sa antigen test ang isasailalim sa confirmatory test.

Ngunit, sakaling magpositibo pa ulit sa confirmatory test, hindi na ang mga ito papayagang dumalo sa pagsusulit habang kung magnegatibo naman ang mga examinees, makakapag-exam pa rin ngunit sa hiwalay na examination room.

Bukas, nakatakda namang sumailalim sa antigen testing ang lahat ng mga court personnel, lawyers at iba pang mga proctors.

Inaasahan na fully activated na rin bukas ng alas-5 ng hapon ang Incident Command post sa UNC at handa na rin ang facility at equiptments.

Magkakaroon rin ng road closure sa bahagi ng J. Hernandez St. basado alas-12 ng hatinggabi ng Pebrero 4.

Samantala, maliban sa lungsod ng Naga, magmumula rin sa buong rehiyon ng Bicol at iba pang rehiyon sa bansa ang mga kukuha ng nasabing pagsusulit.