NAGA CITY – Idineklara na bilang drug cleared ang ilan sa mga barangay sa Sipocot, Camarines Sur.

Kaugnay ito ng nagpapatuloy na kampanya ng mga kapulisan laban sa iligal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMAJ Ronald Brugada, Chief of Police ng Sipocot Municipal Police Station, sinabi nito na kasama sa dineklara bilang drug cleared ang Barangay Gaongan, Salvacion, San Isidro at Calampinay sa naturang bayan.

Ayon kay Brugada, may limang barangay naman umano na nauna ng kinonsidera bilang drug cleared, ngunit mas pinalakas pa umano ng kanilang hepatura ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang pagsasagawa ng iba’t-ibang mga aktibidades ng kanilang opisina para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing bayan.