Naaresto ang Apat na indibidwal na kabilang sa listahan ng mga wanted person, kabilang ang isang Chinese national,ng Philippine National Police (PNP) sa magkakahiwalay na operasyon sa Negros Occidental, Cebu, Palawan at Benguet noong Nobyembre 9, 2026.

Kabilang sa mga nadakip ang No. 3 regional wanted person sa Negros Occidental na nahaharap sa kasong rape of a minor at acts of lasciviousness; No. 10 regional wanted person sa Cebu na sangkot sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act; at No. 5 regional wanted person sa Palawan na nahaharap sa ilang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Samantala, naaresto rin sa La Trinidad, Benguet ang isang Chinese national dahil sa umano’y paglabag sa Presidential Decree 1096 o National Building Code of the Philippines.

Advertisement