Nasugatan ang apat na indibidwal matapos yanigin ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Lungsod ng Bogo kahapon ng hapon, Abril 6, 2026.

Kinumpirma ni City Planning Officer Carlo Logarta na kabilang sa mga nasugatan ang isang indibidwal na tinamaan ng nabasag na salamin sa isang tindahan, isang naglalakad na hinimatay, at isang estudyante na nawalan ng malay.

May ulat din na isang indibidwal ang nahulog mula sa puno o hagdan habang nagaganap ang lindol.

Sa kabila nito, wala namang naitalang malaking pinsala sa mga imprastraktura sa lungsod.

Advertisement

Samantala, sinabi ni Acting Governor at Vice Governor Glenn Anthony Soco na kasalukuyang tinutugunan ng pamahalaan ang trauma na nararanasan ng mga residente, habang patuloy na minomonitor ang mga posibleng aftershocks at ang kabuuang kondisyon ng Bogo City.

Hinikayat din niya ang mga Cebuano na ipagpatuloy ang kanilang normal na pamumuhay at magdasal para sa kaligtasan ng lahat.

Advertisement