Inaasahan ni Juanito Victor Remulla na magsisilbing mahalagang hakbang ang pagkakaaresto kay dating kongresista na si Zaldy Co upang mabuksan pa ang mas malalim na katotohanan sa kontrobersiya ng mga proyektong flood control.
Ayon kay Remulla, ang pagkakahuli kay Co ay bahagi lamang ng mas pinalawak na imbestigasyon ukol sa umano’y mga iregularidad sa implementasyon ng flood control scheme sa bansa. Aniya, inaasahang dito magsisimulang mabuo ang kabuuang larawan ng mga anomalya at matukoy ang iba pang personalidad na posibleng sangkot.
Dagdag pa ng kalihim, ang kasalukuyang hakbang ng pamahalaan ay naglalayong ilantad ang mga indibidwal na nasa likod ng mga maanomalyang proyekto, kabilang na ang mga matataas na opisyal na posibleng may kinalaman dito.
Samantala, nagbigay rin ng mahigpit na babala si Remulla sa iba pang mga sangkot sa isyu. Binigyang-diin niya na hindi magiging sapat ang salapi o impluwensya upang makaiwas sa pananagutan, lalo na kung determinado ang mga awtoridad na papanagutin ang lahat ng may kinalaman sa naturang anomalya.














