Mawawalan ng contact sa Earth ang apat na astronaut ng Artemis II mission sa oras na lumagpas ang kanilang spacecraft sa likod ng Moon ngayong Lunes ng gabi, isang blackout na tatagal ng humigit-kumulang 40 minuto.
Dahil sa posisyon ng Buwan, hindi makakadaan ang radio at laser signals mula sa Orion capsule patungong mission control sa Houston, Texas. Sinabi ni pilot Victor Glover na maaaring gamitin ang panandaliang pagkawala ng signal para sa mga panalangin at mabubuting kaisipan para sa ligtas na pagbabalik ng crew.
Mahigit 50 taon na ang nakalipas nang maranasan din ng Apollo astronauts ang ganitong isolation, partikular si Michael Collins ng Apollo 11, na naiwan sa command module habang sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ay naglakad sa lunar surface. Inilarawan ni Collins ang kanyang karanasan bilang pakiramdam ng pagiging “truly alone” ngunit puno ng kapayapaan.
Sinusubaybayan ng Goonhilly Earth Station ang Orion capsule, na unang pagkakataong may taong sakay na kanilang tina-track. Ayon sa kanilang chief technology officer na si Matt Cosby, kabado man sila sa pagkawala ng signal, tiwala silang ligtas ang crew.
Planong gamitin ng Artemis crew ang blackout period sa lunar observation, pagkuha ng imahe, at pag-aaral ng geology ng Buwan. Kapag bumalik ang signal, inaasahan nilang maibabahagi ang mga kamangha-manghang tanawin mula sa kanilang makasaysayang misyon.














