NAGA CITY- Naging mapayapa ang selebrasyon ng Ati-atihan festival at Procession ng Sto. Niño kahapon sa Naga City.

Pinangunahan ito ng alkalde at mga opisyales ng local na gobyerno ng lungsod mga barangay officials.

Tinatayang libo-libong mga deboto at mga partisipante ang nakiisa sa aktibidad.

Sa isinagawang Ati-atihan Street Dance Competition, nilahukan ito ng ibat-ibang mga paaralan at mga barangay sa lungsod kung saan nakuha ng Barangay Sabang ang titulo bilang Champion at Best in Costume.

photo courtesy – Naga Smiles to the World

Sinusundan ito ng Barangay Abella, at Barangay Triangulo na nakuha pa ang special award na Biggest Delegation, habang napanalunan naman ng Barangay Sta. Cruz ang titulo bilang best in float.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kagawad Luz Estrella, ng Barangay Mabolo Naga City at isa sa mga deboto sinabi nito na sa kalahatan ay nakikita niyang pag dating sa debosyon, malakas ang paniniwala ng mga mamamayan sa lungsod.

Ayon pa kay Estrella, naniniwala umano ito na ano mang hirap ang napagdadaanan nila ay wala pa ito kompara sa ginawa at pinag daan ni Jesus Kristo.

Samantala, pinangunahan naman ni Most Rev. Rolando J. Tria-Tirona, OCD, DD. Archbishop of Caceres ang banal na misa para sa kapistahan ng Señor Sto. Niño.