NAGA CITY- Tinatayang nasa P55K na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang buybust operation sa Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Hazel Castillo, 24 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na naaresto ang suspek matapos na makabili ang pulis na nagpanggap bilang posuer buyer ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad narekober pa kay Castillo ang apat na piraso ng transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 2.73 at nagkakahalaga ng P55,692.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.